Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 41 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 41 sa 52 • Tagalog


رَبَّنَا اغْفِرْ لِي وَلِوَالِدَيَّ وَلِلْمُؤْمِنِينَ يَوْمَ يَقُومُ الْحِسَابُ 41
Pagsasalin:
Panginoon namin, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, at sa mga mananampalataya sa araw na magaganap ang pagtutuos.” Ibrāhīm 14:41
Tafsīr:
Panginoon namin, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko. Magpatawad Ka sa mga pagkakasala ng mga magulang ko. (Nagsabi siya nito bago niya nalaman na ang ama niya ay isang kaaway para kay Allāh; ngunit noong luminaw sa kanya na iyon ay isang kaaway para kay Allāh, nagpawalang-kaugnayan siya roon.) Magpatawad Ka sa mga mananampalataya sa mga pagkakasala nila sa araw na babangon ang mga tao para sa pagtutuos sa kanila sa harapan ng Panginoon nila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 40 Susunod Ibrāhīm • Talata 42