Huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan. Nag-aantala lamang Siya sa kanila para sa isang araw na mapatititig doon ang mga paningin. Ibrāhīm 14:42 ⧉
Tafsīr:
Huwag ka ngang magpalagay, O Sugo, na si Allāh, yayamang nag-aantala sa pagdurusa ng mga tagalabag sa katarungan, ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan gaya ng pagpapasinungaling, pagbalakid sa landas ni Allāh, at iba pa roon. Bagkus Siya ay nakaaalam niyon: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Nag-aantala lamang Siya ng pagdurusa nila sa Araw ng Pagbangon, ang araw na iyon na aangat doon ang mga paningin dala ng pangamba dahil sa hilakbot sa masasaksihan ng mga ito.