Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 115 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 115 sa 128 • Tagalog


إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيْكُمُ الْمَيْتَةَ وَالدَّمَ وَلَحْمَ الْخِنْزِيرِ وَمَا أُهِلَّ لِغَيْرِ اللَّهِ بِهِ ۖ فَمَنِ اضْطُرَّ غَيْرَ بَاغٍ وَلَا عَادٍ فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 115
Pagsasalin:
Nagbawal lamang Siya sa inyo ng namatay, dugo, laman ng baboy, at anumang inialay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas, tunay na ang Panginoon mo ay Mapagpatawad, Maawain. An-Naḥl 16:115
Tafsīr:
Nagbawal si Allāh sa inyo mula sa mga nakakain ng anumang namatay nang walang pagkatay kabilang sa [mga hayop na] kinakatay, ng ibinubong dugo, ng baboy sa lahat ng mga bahagi nito, at ng anumang kinatay ng tagapagkatay nito bilang alay sa iba pa kay Allāh. Ang pagbabawal na ito ay tanging sa kalagayang makapipili. Ngunit ang sinumang pinilit ng kagipitan sa pagkain ng mga nabanggit kaya nakakain siya mula sa mga ito nang hindi nakaiibig sa ipinagbabawal mismo at hindi naman lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, walang kasalanan sa kanya sapagkat si Allāh ay Mapagpatawad na nagpapatawad sa kanya sa kinain niya, Maawain sa kanya nang pumayag para sa kanya niyon sa sandali ng kagipitan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 114 Susunod An-Naḥl • Talata 116