Kaya kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh bilang ipinahihintulot na kaaya-aya at magpasalamat kayo sa biyaya ni Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba. An-Naḥl 16:114 ⧉
Tafsīr:
Kaya kumain kayo, O mga lingkod, mula sa itinustos sa inyo ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na anumang naging ipinahihintulot kabilang sa uri ng itinuturing na kaaya-ayang kainin. Magpasalamat kayo sa biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa inyo sa pamamagitan ng pagkilala sa mga biyayang ito kay Allāh at pagbaling sa mga ito sa kaluguran Niya, kung nangyaring kayo ay sumasamba sa Kanya lamang at hindi nagtatambal sa Kanya.