Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 113 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 113 sa 128 • Tagalog


وَلَقَدْ جَاءَهُمْ رَسُولٌ مِنْهُمْ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ الْعَذَابُ وَهُمْ ظَالِمُونَ 113
Pagsasalin:
Talaga ngang may dumating sa kanila na isang sugong kabilang sa kanila ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa habang sila ay mga tagalabag sa katarungan. An-Naḥl 16:113
Tafsīr:
Talaga ngang may dumating sa mga naninirahan sa Makkah na isang sugong kabilang sa kanila, na nakikilala nila siya sa pagkamapagkakatiwalaan at katapatan. Siya ay si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaugnay sa ibinaba sa kanya ng Panginoon niya kaya bumababa sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng pagkagutom at pangamba habang sila ay mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila, sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan, nang nagtambal sila kay Allāh at nagpasinungaling sila sa Sugo Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 112 Susunod An-Naḥl • Talata 114