Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 112 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 112 sa 128 • Tagalog


وَضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا قَرْيَةً كَانَتْ آمِنَةً مُطْمَئِنَّةً يَأْتِيهَا رِزْقُهَا رَغَدًا مِنْ كُلِّ مَكَانٍ فَكَفَرَتْ بِأَنْعُمِ اللَّهِ فَأَذَاقَهَا اللَّهُ لِبَاسَ الْجُوعِ وَالْخَوْفِ بِمَا كَانُوا يَصْنَعُونَ 112
Pagsasalin:
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang pamayanan na iyon dati ay matiwasay at napapanatag. Pumupunta roon ang panustos niyon nang masagana mula sa bawat pook ngunit nagkaila iyon sa mga biyaya ni Allāh kaya nagpatikim doon si Allāh ng damit ng pagkagutom at pangamba dahil sa dati nilang niyayari [na kawalang-pananampalataya]. An-Naḥl 16:112
Tafsīr:
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa isang pamayanan, ang Makkah, na iyon dati ay matiwasay na hindi nangangamba ang mga naninirahan doon, na matatag samantalang ang mga tao sa paligid niyon ay dinudukot. Dumarating doon ang panustos niyon nang kaiga-igaya at madali mula sa bawat pook. Ngunit nagkaila ang mga naninirahan doon sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila na mga biyaya at hindi nagpasalamat kaya gumanti sa kanila si Allāh ng pagkagutom at pangambang matinding nakalitaw sa mga katawan nila bilang hilakbot at pangangayayat hanggang sa ang dalawang ito ay naging gaya ng damit [sa pagkapit] sa kanila dahilan sa dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 111 Susunod An-Naḥl • Talata 113