Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 111 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 111 sa 128 • Tagalog


يَوْمَ تَأْتِي كُلُّ نَفْسٍ تُجَادِلُ عَنْ نَفْسِهَا وَتُوَفَّىٰ كُلُّ نَفْسٍ مَا عَمِلَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ 111
Pagsasalin:
[Banggitin] ang araw na pupunta ang bawat kaluluwa na makikipagtalo para sa sarili nito, lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran sa] anumang ginawa nito at sila ay hindi lalabagin sa katarungan. An-Naḥl 16:111
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na pupunta ang bawat tao na mangangatwiran para sa sarili nito nang hindi nangangatwiran para sa iba rito dahil sa bigat ng katayuan, at lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa ganti sa anumang ginawa nito na kabutihan at kasamaan. Sila ay hindi lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagdagdag sa masagwang gawa nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 110 Susunod An-Naḥl • Talata 112