Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 110 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 110 sa 128 • Tagalog


ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ هَاجَرُوا مِنْ بَعْدِ مَا فُتِنُوا ثُمَّ جَاهَدُوا وَصَبَرُوا إِنَّ رَبَّكَ مِنْ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَحِيمٌ 110
Pagsasalin:
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo para sa mga lumikas matapos na niligalig sila pagkatapos nakibaka sila at nagtiis sila, tunay na ang Panginoon mo matapos na niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain. An-Naḥl 16:110
Tafsīr:
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang Mapagpatawad, Maawain sa mga sinisiil kabilang sa mga mananampalataya na mga lumikas mula sa Makkah patungo sa Madīnah matapos pagdusahin sila ng mga tagapagtambal at usigin sila dahil sa relihiyon nila hanggang sa nakabigkas sila ng salita ng kawalang-pananampalataya samantalang ang mga puso nila ay napapanatag sa pananampalataya. Pagkatapos nakibaka sila ayon sa landas ni Allāh upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas at ang salita ng mga tumangging sumampalataya ay maging ang pinakamababa. Nagtiis sila sa mga hirap niyon. Tunay na ang Panginoon mo – noong matapos ng pagsubok na iyon na ipinansubok sa kanila at ng pagpaparusang pinagdusahan nila hanggang sa nakabigkas sila ng salita ng kawalang-pananampalataya – ay talagang Mapagpatawad sa kanila, Maawain sa kanila dahil sila ay hindi nakabigkas ng salita ng kawalang-pananampalataya malibang habang mga napipilitan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 109 Susunod An-Naḥl • Talata 111