[Nagsabi si Jesus:] “Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya; ito ay isang landasing tuwid.” Maryam 19:36 ⧉
Tafsīr:
[Nagsabi si Jesus:] "Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay Panginoon ko at Panginoon ninyo sa kalahatan kaya magpakawagas kayo sa Kanya sa pagsamba – tanging sa Kanya. Itong nabanggit ko sa inyo ay ang landasing tuwid na nagpaparating sa kaluguran ni Allāh."