Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian sa gitna nila kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa isang masasaksihan sa isang araw na sukdulan. Maryam 19:37 ⧉
Tafsīr:
Ngunit nagkaiba-iba ang mga nagkakaiba-iba hinggil sa pumapatungkol kay Jesus – sumakanya ang pangangalaga – kaya sila ay naging mga lapiang nagkahati-hati kabilang sa mga kababayan niya sapagkat sumampalataya sa kanya ang iba sa kanila at nagsabi: "Siya ay isang sugo" at tumangging sumampalataya sa kanya ang mga iba pa gaya ng mga Hudyo. Nagpakalabis-labis naman hinggil sa kanya ang mga pangkatin. sapagkat nagsabi ang iba sa kanila: "Siya ay si Allāh" samantalang nagsabi naman ang mga iba pa: "Siya ay anak ni Allāh." Pagkataas-taas si Allāh para roon. Kaya kapighatian ay ukol sa mga nagkakaiba-iba hinggil sa pumapatungkol sa kanya na mga saksi sa sukdulang Araw ng Pagbangon dahil sa naroon na mga masasaksihan, pagtutuos, at parusa.