Kay husay ng pagkarinig nila at kay husay ng pagkakita sa Araw [ng Pagbangon] na pupunta sila sa Amin, subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa araw na ito ay nasa isang pagkaligaw na malinaw. Maryam 19:38 ⧉
Tafsīr:
Anong husay ng pagkarinig nila sa Araw na iyon at anong husay ng pagkakita nila. Nakarinig sila nang hindi nagpakinabang sa kanila ang pagdinig at nakakita sila nang hindi nagpakinabang sa kanila ang pagkakita. Subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa buhay na pangmundo ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa landasing tuwid sapagkat hindi sila naghahanda para sa Kabilang-buhay hanggang sa dumating ito sa kanila nang biglaan samantalang sila ay nasa paglabag nila sa katarungan.