Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Maryam — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Maryam • Talata 39 sa 98 • Tagalog


وَأَنْذِرْهُمْ يَوْمَ الْحَسْرَةِ إِذْ قُضِيَ الْأَمْرُ وَهُمْ فِي غَفْلَةٍ وَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ 39
Pagsasalin:
Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat habang sila ay hindi sumasampalataya. Maryam 19:39
Tafsīr:
Magbabala ka, O Sugo, sa mga tao ng araw ng pagsisisi kapag magsisisi ang tagagawa ng masagwa dahil sa paggawa niya ng masagwa at ang tagagawa ng maganda dahil sa hindi niya pagpaparami ng pagtalima, kapag natiklop na ang mga kalatas ng mga tao, nakatapos sa pagtutuos sa kanila, at pumunta ang bawat isa sa gawang ipinauna niya. Sila, sa buhay nilang makamundo, ay mga nalinlang dito, mga nalilibang palayo sa Kabilang-buhay, habang sila ay hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagbangon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Maryam • Talata 38 Susunod Maryam • Talata 40