Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 125 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 125 sa 286 • Tagalog


وَإِذْ جَعَلْنَا الْبَيْتَ مَثَابَةً لِلنَّاسِ وَأَمْنًا وَاتَّخِذُوا مِنْ مَقَامِ إِبْرَاهِيمَ مُصَلًّى ۖ وَعَهِدْنَا إِلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ أَنْ طَهِّرَا بَيْتِيَ لِلطَّائِفِينَ وَالْعَاكِفِينَ وَالرُّكَّعِ السُّجُودِ 125
Pagsasalin:
[Banggitin] noong gumawa Kami sa Bahay bilang balikan para sa mga tao at bilang katiwasayan. Gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan. Naghabilin Kami kina Abraham at Ismael na magdalisay silang dalawa ng Bahay Ko para sa mga lumilibot, mga namimintuho, at mga yumuyukod na nagpapatirapa. Al-Baqarah 2:125
Tafsīr:
Banggitin mo noong ginawa ni Allāh ang Bahay na Binanal bilang isang pagbabalikan para sa mga tao, na kinahuhumalingan ng mga puso nila: sa tuwing lumilisan sila mula roon ay bumabalik sila roon; at ginawa Niya iyon bilang isang katiwasayan para sa kanila, na hindi sila inaaway roon. Nagsabi Siya sa mga tao: "Gumawa kayo mula sa bato – na tinatayuan noon ni Abraham habang siya nagtatayo ng Ka`bah – ng isang lugar para sa pagdarasal." Nagtagubilin Kami kay Abraham at sa anak niyang si Ismael ng pagdalisay ng Bahay na Binanal mula sa mga karumihan at mga anito, at ng paghahanda niyon para sa sinumang nagnais ng pagsamba roon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ṭawāf, i`tikāf, ṣalāh, at iba pa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 124 Susunod Al-Baqarah • Talata 126