Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 126 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 126 sa 286 • Tagalog


وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّ اجْعَلْ هَٰذَا بَلَدًا آمِنًا وَارْزُقْ أَهْلَهُ مِنَ الثَّمَرَاتِ مَنْ آمَنَ مِنْهُمْ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ قَالَ وَمَنْ كَفَرَ فَأُمَتِّعُهُ قَلِيلًا ثُمَّ أَضْطَرُّهُ إِلَىٰ عَذَابِ النَّارِ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ 126
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: “Panginoon ko, gawin Mo [ang Makkah] ito na isang bayang matiwasay at tustusan Mo ang mga naninirahan dito mula sa mga bunga – ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at sa Huling Araw.” Nagsabi Siya: “Ang sinumang tumangging sumampalataya ay pagtatamasain Ko nang kaunti, pagkatapos ipagpipilitan Ko siya sa pagdurusa sa Apoy. Kay saklap ang kahahantungan!” Al-Baqarah 2:126
Tafsīr:
Banggitin mo, O Propeta, nang nagsabi si Abraham habang siya ay dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, gawin Mo ang Makkah na isang bayang matiwasay na hindi sumasailalim dito ang isa man sa kasamaan, tustusan Mo ang mga naninirahan dito mula sa mga uri ng mga bunga, at lagyan Mo ito ng panustos na natatangi sa mga mananampalataya sa Iyo at sa Huling Araw." Nagsabi si Allāh: "Ang sinumang tumangging sumampalataya kabilang sa inyo, tunay na Ako ay magpapatamasa sa kanya ng itinutustos Ko sa kanya sa Mundo ng isang tinatamasang kaunti. Pagkatapos sa Kabilang-buhay ay ipaaampon Ko siya nang sapilitan sa pagdurusa sa Impiyerno. Kay saklap ang hantungang kasasadlakan niya sa Araw ng Pagbangon!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 125 Susunod Al-Baqarah • Talata 127