[Banggitin] noong nag-angat si Abraham ng mga pundasyon ng Bahay, at si Ismael, [ay dumalangin siya]: “Panginoon Namin, tanggapin Mo mula sa amin; tunay na Ikaw ay ang Madinigin, ang Maalam. Al-Baqarah 2:127 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Propeta, nang nag-aangat noon sina Abraham at Ismael ng mga pundasyon ng Ka`bah habang silang dalawa ay nagsasabi nang may pagpapakumbaba at pagpapakaaba: "Panginoon namin, tanggapin Mo mula sa amin ang mga gawa namin, at kabilang sa mga ito ang pagpapatayo ng bahay na ito. Tunay na Ikaw ay ang Madinigin sa panalangin namin, ang Maalam sa mga layunin namin at mga gawain namin."