Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 128 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 128 sa 286 • Tagalog


رَبَّنَا وَاجْعَلْنَا مُسْلِمَيْنِ لَكَ وَمِنْ ذُرِّيَّتِنَا أُمَّةً مُسْلِمَةً لَكَ وَأَرِنَا مَنَاسِكَنَا وَتُبْ عَلَيْنَا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ 128
Pagsasalin:
O Panginoon namin, at gawin Mo kami bilang mga tagapagpasakop sa Iyo at mula sa mga supling namin bilang kalipunang tagapagpasakop sa Iyo, ipakita Mo sa amin ang mga pamamaraan [ng pagsamba] namin, at tanggapin Mo ang pagbabalik-loob namin. Tunay na Ikaw ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain. Al-Baqarah 2:128
Tafsīr:
O Panginoon namin, at gawin Mo kami bilang mga sumusuko sa utos Mo, na mga nagpapasailalim sa Iyo, na hindi kami nagtatambal sa Iyo ng isa man. Gumawa Ka mula sa mga supling namin ng isang kalipunang sumusuko sa Iyo. Ipakilala Mo sa amin ang pagsamba sa Iyo kung papaano ito. Magpalampas Ka sa mga masagwang gawa namin at pagkukulang namin sa pagtalima sa Iyo. Tunay na Ikaw ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Mo, ang Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 127 Susunod Al-Baqarah • Talata 129