Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 135 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 135 sa 286 • Tagalog


وَقَالُوا كُونُوا هُودًا أَوْ نَصَارَىٰ تَهْتَدُوا ۗ قُلْ بَلْ مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۖ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ 135
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “Maging mga Hudyo o mga Kristiyano kayo, mapapatnubayan kayo.” Sabihin mo: “Bagkus [sumunod] sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh].” Al-Baqarah 2:135
Tafsīr:
Nagsabi ang mga Hudyo sa Kalipunang ito: "Maging mga Hudyo kayo, tatahak kayo sa landas ng kapatnubayan." Nagsabi ang mga Kristiyano: "Maging mga Kristiyano kayo, tatahak kayo sa landas ng kapatnubayan." Sabihin mo, O Propeta, habang sumasagot sa kanila: "Bagkus sumusunod kami sa relihiyon ni Abraham, na kumikiling palayo sa mga bulaang relihiyon patungo sa totoong relihiyon, at hindi siya naging kabilang sa mga nagtambal kasama kay Allāh ng isa man."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 134 Susunod Al-Baqarah • Talata 136