Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 136 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 136 sa 286 • Tagalog


قُولُوا آمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ إِلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَمَا أُوتِيَ النَّبِيُّونَ مِنْ رَبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ 136
Pagsasalin:
Sabihin ninyo: “Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.” Al-Baqarah 2:136
Tafsīr:
Sabihin ninyo, O mga mananampalataya, sa mga alagad ng bulaang pahayag na ito kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano: "Sumampalataya kami kay Allāh at sa Qur'ān na pinababa sa amin. Sumampalataya kami sa pinababa kay Abraham at sa mga anak niyang sina Ismael, Isaac, at Jacob. Sumampalataya kami sa pinababa sa mga propeta kabilang sa anak ni Jacob. Sumampalataya kami sa Torah na ibinigay ni Allāh kay Moises at sa Ebanghelyo na ibinigay ni Allāh kay Jesus. Sumampalataya kami sa mga kasulatan na ibinigay ni Allāh sa mga propeta sa kalahatan. Hindi kami nagtatangi sa isa sa kanila para sumampalataya sa ilan at tumangging sumampalataya sa iba, bagkus sumasampalataya kami sa kanila sa kalahatan. Kami ay sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – mga nagpapaakay na mga nagpapasailalim."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 135 Susunod Al-Baqarah • Talata 137