Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 137 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 137 sa 286 • Tagalog


فَإِنْ آمَنُوا بِمِثْلِ مَا آمَنْتُمْ بِهِ فَقَدِ اهْتَدَوْا ۖ وَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا هُمْ فِي شِقَاقٍ ۖ فَسَيَكْفِيكَهُمُ اللَّهُ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ 137
Pagsasalin:
Kaya kung sumampalataya sila sa tulad ng sinampalatayanan ninyo ay napatnubayan nga sila; at kung tatalikod sila, sila lamang ay nasa isang hidwaan at sasapat sa iyo laban sa kanila si Allāh. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. Al-Baqarah 2:137
Tafsīr:
Kaya kung sumampalataya ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ayon sa pananampalatayang tulad ng pananampalataya ninyo, napatnubayan nga sila tungo sa daang tuwid na kinalugdan ni Allāh. Kung umayaw sila sa pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa mga propeta sa kabuuan ng mga ito o ilan sa mga ito, sila lamang ay nasa isang pagsalungat at pangangaway. Huwag kang malungkot, O Propeta, sapagkat tunay na si Allāh ay sasapat sa iyo laban sa pananakit nila, hahadlang sa iyo ng kasamaan nila, at mag-aadya sa iyo laban sa kanila sapagkat Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi nila, ang Maalam sa mga layunin nila at mga ginagawa nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 136 Susunod Al-Baqarah • Talata 138