Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 22 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 22 sa 286 • Tagalog


الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ فِرَاشًا وَالسَّمَاءَ بِنَاءً وَأَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجَ بِهِ مِنَ الثَّمَرَاتِ رِزْقًا لَكُمْ ۖ فَلَا تَجْعَلُوا لِلَّهِ أَنْدَادًا وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ 22
Pagsasalin:
na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at ng langit bilang silong, at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam [na walang Tagalikha kundi si Allāh]. Al-Baqarah 2:22
Tafsīr:
Sapagkat Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang banig na nakalatag at gumawa ng langit mula sa ibabaw nito na tinibayan ang pagkakapatayo at Siya ang Tagabiyaya sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan kaya nagpatubo Siya sa pamamagitan nito ng sarisaring bunga mula sa lupa upang maging panustos. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga katambal at mga itinutulad habang kayo ay nakaaalam na walang tagalikha kundi si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 21 Susunod Al-Baqarah • Talata 23