Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 23 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 23 sa 286 • Tagalog


وَإِنْ كُنْتُمْ فِي رَيْبٍ مِمَّا نَزَّلْنَا عَلَىٰ عَبْدِنَا فَأْتُوا بِسُورَةٍ مِنْ مِثْلِهِ وَادْعُوا شُهَدَاءَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 23
Pagsasalin:
Kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa ibinaba Namin sa Lingkod Namin, maglahad kayo ng isang kabanata kabilang sa tulad nito at tumawag kayo ng mga saksi ninyo bukod pa kay Allāh kung kayo ay mga tapat. Al-Baqarah 2:23
Tafsīr:
Kung kayo, O mga tao, ay nasa isang pagdududa sa Qur'ān na ibinaba sa lingkod Naming si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – humahamon Kami sa inyo na sumalansang kayo rito sa pamamagitan ng paglalahad ng iisang kabanata na nakatutulad nito, kahit pa man higit na maiiksing kabanata kaysa rito. Manawagan kayo sa sinumang nakaya ninyo kabilang sa mga tagaadya ninyo kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 22 Susunod Al-Baqarah • Talata 24