Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 253 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 253 sa 286 • Tagalog


تِلْكَ الرُّسُلُ فَضَّلْنَا بَعْضَهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۘ مِنْهُمْ مَنْ كَلَّمَ اللَّهُ ۖ وَرَفَعَ بَعْضَهُمْ دَرَجَاتٍ ۚ وَآتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ ۗ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا اقْتَتَلَ الَّذِينَ مِنْ بَعْدِهِمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ وَلَٰكِنِ اخْتَلَفُوا فَمِنْهُمْ مَنْ آمَنَ وَمِنْهُمْ مَنْ كَفَرَ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا اقْتَتَلُوا وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يُرِيدُ 253
Pagsasalin:
Ang mga sugong iyon ay nagtangi Kami sa iba sa kanila higit sa iba kabilang sa kanila. Mayroon sa kanila na kinausap ni Allāh. Nag-angat Siya sa iba sa kanila sa mga antas. Nagbigay kay Jesus na anak ni Maria ng mga malinaw na patunay at umalalay sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana naglaban-laban ang mga matapos na nila matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay; subalit nagkaiba-iba sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila naglaban-laban; subalit si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya. Al-Baqarah 2:253
Tafsīr:
Ang mga sugong iyon na binanggit Namin sa iyo ay nagtangi Kami sa iba sa kanila higit sa iba sa kanila sa pagkasi, mga tagasunod, at mga antas. Mayroon sa kanila na kinausap ni Allāh tulad ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Mayroon sa kanila na inangat Niya sa ilang mga antas na mataas tulad ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – yayamang isinugo siya sa mga tao sa kabuuan nila, winakasan sa kanya ang pagkapropeta, at itinangi ang Kalipunan niya higit sa mga ibang kalipunan. Nagbigay kay Jesus na anak ni Maria ng mga himalang maliwanag na nagpapatunay sa pagkapropeta niya gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagpapagaling sa ipinanganak na bulag at ketungin. Nag-alalay sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang pagpapalakas sa kanya sa pagsasagawa sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Kung sakaling niloob ni Allāh, hindi sana naglaban-laban ang mga dumating nang matapos ng [paglisan ng] mga sugo nang matapos na dumating sa kanila ang mga maliwanag na tanda; subalit nagkaiba-iba sila at nagkahati-hati sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya kay Allāh at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya sa Kanya. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila mag-away-away ay hindi sana sila nag-away-away; subalit si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya sapagkat nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa pananampalataya sa pamamagitan ng awa Niya at kabutihang-loob Niya at nagpapaligaw Siya sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng katarungan Niya at karunungan Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 252 Susunod Al-Baqarah • Talata 254