O mga sumampalataya, gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa itinustos Namin sa inyo bago pa may pumuntang isang araw na walang bilihan doon ni pagkakaibigan ni pamamagitan. Ang mga tagatangging sumampalataya ay ang mga tagalabag sa katarungan. Al-Baqarah 2:254 ⧉
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, gumugol kayo mula sa itinustos Namin sa inyo na magkakaibang mga yaman na ipinahihintulot bago pa pumunta ang Araw ng Pagbangon, na sa sandaling iyon ay walang bilihan doon na kakamit mula rito ang tao ng pakikinabangan niya, ni pagkakaibigang pakikinabangan niya sa oras ng kagipitan, ni pagpapagitnang magtutulak ng isang pinsala o hahatak ng isang pakinabang malibang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya. Ang mga tagatangging sumampalataya ay ang mga tagalabag sa katarungan sa totoo dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh – pagkataas-taas Siya.