Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 262 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 262 sa 286 • Tagalog


الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ثُمَّ لَا يُتْبِعُونَ مَا أَنْفَقُوا مَنًّا وَلَا أَذًى ۙ لَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 262
Pagsasalin:
Ang mga gumugugol ng mga salapi nila ayon sa landas ni Allāh, pagkatapos hindi nila pinasusundan ang anumang ginugol nila ng isang panunumbat ni pananakit, ukol sa kanila ang pabuya nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. Al-Baqarah 2:262
Tafsīr:
Ang mga nagkakaloob ng mga salapi nila sa pagtalima kay Allāh at kaluguran Niya, pagkatapos hindi nila pinasusundan ang pagkakaloob nila ng anumang nakapagpapawalang-saysay sa gantimpala nito na panunumbat sa mga tao sa sinasabi o ginagawa, ukol sa kanila ang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila. Walang pangamba sa kanila sa anumang kahaharapin nila ni sila ay malulungkot sa anumang nakalipas dahil sa laki ng kaginhawahan nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 261 Susunod Al-Baqarah • Talata 263