Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 261 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 261 sa 286 • Tagalog


مَثَلُ الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ كَمَثَلِ حَبَّةٍ أَنْبَتَتْ سَبْعَ سَنَابِلَ فِي كُلِّ سُنْبُلَةٍ مِائَةُ حَبَّةٍ ۗ وَاللَّهُ يُضَاعِفُ لِمَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ 261
Pagsasalin:
Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni Allāh ay gaya ng paghahalintulad sa isang butil na nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso ay may isandaang butil. Si Allāh ay nagpapaibayo para sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam. Al-Baqarah 2:261
Tafsīr:
Ang paghahalintulad sa gantimpala sa mga mananampalataya na mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni Allāh ay katulad ng isang butil na inilalagay ng magsasaka sa lupang kaaya-aya at nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso mula rito ay may isandaang butil. Si Allāh ay nagpapaibayo ng gantimpala para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya sapagkat nagbibigay Siya sa kanila ng pabuya nila nang walang pagtutuos. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob at ang pagbibigay, Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa pagpapaibayo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 260 Susunod Al-Baqarah • Talata 262