Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 260 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 260 sa 286 • Tagalog


وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّ أَرِنِي كَيْفَ تُحْيِي الْمَوْتَىٰ ۖ قَالَ أَوَلَمْ تُؤْمِنْ ۖ قَالَ بَلَىٰ وَلَٰكِنْ لِيَطْمَئِنَّ قَلْبِي ۖ قَالَ فَخُذْ أَرْبَعَةً مِنَ الطَّيْرِ فَصُرْهُنَّ إِلَيْكَ ثُمَّ اجْعَلْ عَلَىٰ كُلِّ جَبَلٍ مِنْهُنَّ جُزْءًا ثُمَّ ادْعُهُنَّ يَأْتِينَكَ سَعْيًا ۚ وَاعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 260
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: “Panginoon ko, ipakita Mo sa akin kung papaano Kang nagbibigay-buhay sa mga patay.” Nagsabi Siya: “At hindi ka ba sumampalataya?” Nagsabi ito: “Opo; subalit [humiling ako nito] upang mapanatag ang puso ko.” Nagsabi Siya: “Kaya kumuha ka ng apat na ibon saka maglagak ka ng mga ito sa iyo [upang pagputul-putulin]. Pagkatapos maglagay ka sa bawat burol mula sa mga ito ng isang bahagi. Pagkatapos manawagan ka sa mga ito, pupunta sa iyo ang mga ito sa iyo nang agaran. Alamin mo na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.” Al-Baqarah 2:260
Tafsīr:
Banggitin mo, O Propeta, nang nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Panginoon ko ipakita Mo sa akin sa paningin ko kung papaano nangyayari ang pagbibigay-buhay sa mga patay?" Nagsabi rito si Allāh: "At hindi ka ba sumasampalataya sa bagay na ito?" Nagsabi si Abraham: "Opo, sumampalataya nga ako; subalit bilang karagdagan sa kapanatagan ng puso ko." Kaya nag-utos dito si Allāh at nagsabi rito: "Kumuha ka ng apat na ibon; kumalap ka sa mga ito sa iyo at pagputul-putulin mo. Pagkatapos maglagay ka sa bawat isa sa mga burol na nasa paligid mo ng isang bahagi mula sa mga ito. Pagkatapos tumawag ka sa mga ito, pupunta sa iyo ang mga ito nang agaran habang mga nagmamadali; nanumbalik nga sa mga ito ang buhay. Alamin mo, O Abraham, na si Allāh ay Makapangyarihan sa paghahari Niya, Marunong sa utos Niya, batas Niya, at paglikha Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 259 Susunod Al-Baqarah • Talata 261