Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 28 sa 286 • Tagalog


كَيْفَ تَكْفُرُونَ بِاللَّهِ وَكُنْتُمْ أَمْوَاتًا فَأَحْيَاكُمْ ۖ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ 28
Pagsasalin:
Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo noon ay mga patay at nagbigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan Siya sa inyo, pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin]. Al-Baqarah 2:28
Tafsīr:
Tunay na ang lagay ninyo, O mga tagatangging sumampalataya, ay talagang kataka-taka! Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo ay nakasasaksi sa mga patunay sa kakayahan Niya sa mga sarili ninyo. Kayo nga noon ay wala, hindi umiiral, ngunit bumuo Siya sa inyo at nagbigay-buhay Siya sa inyo. Pagkatapos Siya ay nagbigay-kamatayan sa inyo sa ikalawang pagkamatay. Pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo sa ikalawang buhay. Pagkatapos magpapabalik Siya sa inyo tungo sa Kanya upang tumuos Siya sa inyo sa mga [gawang] ipinauna ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 27 Susunod Al-Baqarah • Talata 29