Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 27 sa 286 • Tagalog


الَّذِينَ يَنْقُضُونَ عَهْدَ اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مِيثَاقِهِ وَيَقْطَعُونَ مَا أَمَرَ اللَّهُ بِهِ أَنْ يُوصَلَ وَيُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ 27
Pagsasalin:
Ang mga kumakalas sa kasunduan kay Allāh matapos na ng pagtitibay nito, pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay, at nanggugulo sa lupa, ang mga iyon ay ang mga lugi. Al-Baqarah 2:27
Tafsīr:
Ang mga kumakalas sa kasunduan kay Allāh na tinanggap Niya sa kanila sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya lamang at pagsunod sa Sugo Niya, na nagpabatid ang mga sugo hinggil sa kanya bago niya, at pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay gaya ng mga ugnayang pangkaanak at nagpupunyagi sa pagpapalaganap ng kaguluhan sa lupa sa pamamagitan ng mga pagsuway, ang mga ito ay ang magkukulang ang mga bahagi nila sa Mundo at Kabilang-buhay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 26 Susunod Al-Baqarah • Talata 28