Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 282 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 282 sa 286 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا تَدَايَنْتُمْ بِدَيْنٍ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى فَاكْتُبُوهُ ۚ وَلْيَكْتُبْ بَيْنَكُمْ كَاتِبٌ بِالْعَدْلِ ۚ وَلَا يَأْبَ كَاتِبٌ أَنْ يَكْتُبَ كَمَا عَلَّمَهُ اللَّهُ ۚ فَلْيَكْتُبْ وَلْيُمْلِلِ الَّذِي عَلَيْهِ الْحَقُّ وَلْيَتَّقِ اللَّهَ رَبَّهُ وَلَا يَبْخَسْ مِنْهُ شَيْئًا ۚ فَإِنْ كَانَ الَّذِي عَلَيْهِ الْحَقُّ سَفِيهًا أَوْ ضَعِيفًا أَوْ لَا يَسْتَطِيعُ أَنْ يُمِلَّ هُوَ فَلْيُمْلِلْ وَلِيُّهُ بِالْعَدْلِ ۚ وَاسْتَشْهِدُوا شَهِيدَيْنِ مِنْ رِجَالِكُمْ ۖ فَإِنْ لَمْ يَكُونَا رَجُلَيْنِ فَرَجُلٌ وَامْرَأَتَانِ مِمَّنْ تَرْضَوْنَ مِنَ الشُّهَدَاءِ أَنْ تَضِلَّ إِحْدَاهُمَا فَتُذَكِّرَ إِحْدَاهُمَا الْأُخْرَىٰ ۚ وَلَا يَأْبَ الشُّهَدَاءُ إِذَا مَا دُعُوا ۚ وَلَا تَسْأَمُوا أَنْ تَكْتُبُوهُ صَغِيرًا أَوْ كَبِيرًا إِلَىٰ أَجَلِهِ ۚ ذَٰلِكُمْ أَقْسَطُ عِنْدَ اللَّهِ وَأَقْوَمُ لِلشَّهَادَةِ وَأَدْنَىٰ أَلَّا تَرْتَابُوا ۖ إِلَّا أَنْ تَكُونَ تِجَارَةً حَاضِرَةً تُدِيرُونَهَا بَيْنَكُمْ فَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَلَّا تَكْتُبُوهَا ۗ وَأَشْهِدُوا إِذَا تَبَايَعْتُمْ ۚ وَلَا يُضَارَّ كَاتِبٌ وَلَا شَهِيدٌ ۚ وَإِنْ تَفْعَلُوا فَإِنَّهُ فُسُوقٌ بِكُمْ ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۖ وَيُعَلِّمُكُمُ اللَّهُ ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ 282
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, kapag nag-utangan kayo ng isang pautang sa isang taning na tinukoy ay isulat ninyo ito at isulat sa pagitan ninyo ng isang tagasulat ayon sa katarungan. Hindi tatanggi ang isang tagasulat na isulat niya gaya ng itinuro sa kanya ni Allāh. Kaya magsulat siya at magdikta ang nasa kanya ang tungkulin, mangilag siyang magkasala kay Allāh na Panginoon niya, at huwag siyang magpakulang mula roon ng anuman. Ngunit kung ang nasa kanya ang tungkulin ay isang hunghang o isang mahina o hindi nakakakaya na magdikta mismo ay magdikta ang katangkilik niya ayon sa katarungan. Magpasaksi kayo ng dalawang saksi mula sa kalalakihan ninyo; ngunit kung silang dalawa ay hindi dalawang lalaki, [magpasaksi sa] isang lalaki at dalawang babae kabilang sa sinumang nalugod kayo na mga saksi, upang kung makalimot ang isa sa dalawang [babae] ay magpapaalaala ang isa sa dalawa sa isa pa. Hindi tatanggi ang mga saksi kapag tinawag sila. Huwag kayong magsawa na magsulat kayo nitong [utang], maliit man o malaki, hanggang sa taning nito. Iyon ay higit na makatarungan sa ganang kay Allāh, higit na mananatili para sa pagsasaksi, at higit na malapit upang hindi kayo mag-alinlangan, malibang ito ay isang kalakalang dinadaluhan, na nagsasagawa kayo nito sa pagitan ninyo sapagkat walang maisisisi sa inyo na hindi kayo magsulat nito. Magpasaksi kayo kapag nagbilihan kayo. Hindi pinipinsala ang isang tagasulat ni ang isang saksi. Kung gagawa kayo [nito], tunay na ito ay mga kasuwailan sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at magtuturo sa inyo si Allāh. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. Al-Baqarah 2:282
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kapag nakipagtransaksiyon kayo ng pautang sa pamamagitan ng pagpapautang ng iba sa inyo sa iba pa sa isang yugtong tinakdaan ay isulat ninyo ang pautang na iyon at isulat sa pagitan ninyo ng isang tagasulat ayon sa katotohanan at pagpapakamakatarungang sumasang-ayon sa Batas ng Islām. Hindi tatanggi ang tagasulat na isulat ang pautang ayon sa sumasang-ayon sa itinuro sa kanya ni Allāh na pagsusulat ayon sa katarungan. Kaya isulat niya ang idinidikta sa kanya ng [taong] nasa kanya ang tungkulin upang iyon ay maging isang pag-amin mula rito, mangilag siyang magkasala kay Allāh na Panginoon niya, at huwag siyang bumawas mula sa pautang ng anuman sa halaga nito o uri nito o kalidad nito. Ngunit kung ang [taong] nasa kanya ang tungkulin ay hindi mahusay sa pag-aasal o siya ay isang mahina dahil sa kabataan niya o kabaliwan niya o siya ay hindi nakakakaya sa pagdidikta dahil sa pagkapipi niya, at tulad niyon, magsagawa ng pagdidikta para sa kanya ang katangkilik niyang nananagot para sa kanya ayon sa katotohanan at pagkamakatarungan. Humiling kayo ng pagsasaksi ng dalawang lalaking nakapag-iisip, na makatarungan. Kung walang natagpuang dalawang lalaki ay magpasaksi kayo sa isang lalaki at dalawang babae, na nalulugod kayo sa pagrerelihiyon nila at pagkamapagkakatiwalaan nila, upang kapag nakalimot ang isa sa dalawang babae ay magpapaalaala rito ang babaing kasama nito. Hindi tatanggi ang mga saksi kapag humiling mula sa kanila ng pagsasaksi sa utang at kailangan sa kanila ang pagsasagawa nito kapag tinawag sila para roon. Huwag dumapo sa inyo ang pagsasawa sa pagsulat ng pautang, kaunti man o marami, hanggang sa taning nitong itinakda. Ang pagsulat ng pautang ay higit na makatarungan sa Batas ni Allāh, higit na mariin para sa pagpapatibay sa pagsasaksi at pagsasagawa nito, at higit na malapit sa pagkakaila sa pagdududa sa uri ng pautang, halaga nito, at yugto nito, malibang kapag ang pakikipagkasunduan sa pagitan ninyo ay isang kalakalan sa isang panindang nakahanda at halagang nakahanda sapagkat walang pagkaasiwa sa inyo sa pag-iwan sa pagsusulat sa sandaling ito dahil sa kawalan ng pangangailangan dito. Isinasabatas sa inyo ang pagpapasaksi bilang pagpigil sa mga dahilan ng alitan. Hindi ipinahihintulot ang pamiminsala sa mga tagasulat at mga saksi at hindi ipinahihintulot para sa kanila ang pamiminsala sa sinumang humiling ng pagsulat nila at pagsaksi nila. Kung magaganap mula sa inyo ang pamiminsala, tunay na ito ay paglabas sa pagtalima kay Allāh patungo sa pagsuway sa Kanya. Mangamba kayo kay Allāh, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya sa inyo at pag-iwas sa sinaway Niya sa inyo. Nagtuturo sa inyo si Allāh ng may dulot na kaayusan sa Mundo ninyo at Kabilang-buhay ninyo. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 281 Susunod Al-Baqarah • Talata 283