Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 281 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 281 sa 286 • Tagalog


وَاتَّقُوا يَوْمًا تُرْجَعُونَ فِيهِ إِلَى اللَّهِ ۖ ثُمَّ تُوَفَّىٰ كُلُّ نَفْسٍ مَا كَسَبَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ 281
Pagsasalin:
Mangilag kayo sa Araw na pababalikin kayo roon tungo kay Allāh. Pagkatapos lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran ng] anumang nakamit nito at sila ay hindi lalabagin sa katarungan. Al-Baqarah 2:281
Tafsīr:
Mangamba kayo sa pagdurusa sa Araw na pababalikin kayo roon sa kalahatan tungo kay Allāh at haharap kayo sa harapan Niya. Pagkatapos bibigyan ang bawat kaluluwa ng ganti sa anumang kinamit nito na kabutihan o kasamaan. Hindi sila lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa gantimpala sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng pagdaragdag sa kaparusahan sa mga masagwang gawa nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 280 Susunod Al-Baqarah • Talata 282