Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 280 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 280 sa 286 • Tagalog


وَإِنْ كَانَ ذُو عُسْرَةٍ فَنَظِرَةٌ إِلَىٰ مَيْسَرَةٍ ۚ وَأَنْ تَصَدَّقُوا خَيْرٌ لَكُمْ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ 280
Pagsasalin:
Kung naging may kagipitan [ang nagkautang] ay [magbigay ng] isang paghihintay hanggang sa kaluwagan [niya]; ngunit ang magkawanggawa kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam. Al-Baqarah 2:280
Tafsīr:
Kung ang sinumang sinisingil ninyo sa utang ay nagigipit na hindi nakatatagpo ng pambayad sa utang niya, magpaliban kayo ng paniningil sa kanya hanggang sa maging maluwag sa kanya ang salapi at makatagpo ng ipambabayad sa utang. Ang magkawanggawa kayo sa kanya sa pamamagitan ng pagtigil sa pagsingil ng utang o pagbabale-wala sa isang bahagi nito sa kanya ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam sa kainaman niyon sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 279 Susunod Al-Baqarah • Talata 281