Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 279 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 279 sa 286 • Tagalog


فَإِنْ لَمْ تَفْعَلُوا فَأْذَنُوا بِحَرْبٍ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ ۖ وَإِنْ تُبْتُمْ فَلَكُمْ رُءُوسُ أَمْوَالِكُمْ لَا تَظْلِمُونَ وَلَا تُظْلَمُونَ 279
Pagsasalin:
Ngunit kung hindi ninyo ginawa [ang utos sa inyo], tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung nagbalik-loob kayo ay ukol sa inyo ang mga puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan at hindi kayo lalabagin sa katarungan. Al-Baqarah 2:279
Tafsīr:
Ngunit kung hindi kayo gumawa sa ipinag-utos sa inyo, alamin ninyo at tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung nagbalik-loob kayo kay Allāh at umiiwan kayo sa patubo ay ukol sa inyo ang halaga ng ipinautang ninyo mula sa puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan sa isa man sa pamamagitan ng pagkuha ng labis sa puhunan ng salapi inyo at hindi kayo lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbawas mula sa puhunan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 278 Susunod Al-Baqarah • Talata 280