Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 278 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 278 sa 286 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَذَرُوا مَا بَقِيَ مِنَ الرِّبَا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ 278
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at itigil ninyo ang [pagsingil] anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya. Al-Baqarah 2:278
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at tumigil kayo sa paghiling sa anumang natira mula sa mga yamang galing sa patubo sa nasa mga tao kung kayo ay totoong mga mananampalataya kay Allāh at sa isinaway Niya sa inyo na patubo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 277 Susunod Al-Baqarah • Talata 279