Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 277 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 277 sa 286 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ لَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 277
Pagsasalin:
Tunay na ang mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nagpanatili ng pagdarasal, at nagbigay ng zakāh ay ukol sa kanila ang pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. Al-Baqarah 2:277
Tafsīr:
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, gumawa ng mga gawang maayos, nagsagawa ng pagdarasal nang lubusan ayon sa isinabatas ni Allāh, at nagbigay ng zakāh ng mga yaman nila sa sinumang nagiging karapat-dapat dito ay ukol sa kanila ang gantimpala sa kanila sa ganang Panginoon nila. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila kabilang sa mga nauukol sa kanila ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila mula sa Mundo at kaginhawahan nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 276 Susunod Al-Baqarah • Talata 278