Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 276 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 276 sa 286 • Tagalog


يَمْحَقُ اللَّهُ الرِّبَا وَيُرْبِي الصَّدَقَاتِ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ كَفَّارٍ أَثِيمٍ 276
Pagsasalin:
Pumupuksa si Allāh sa patubo at nagpapalago Siya sa [gantimpala sa] mga kawanggawa. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palatangging sumampalataya na makasalanan. Al-Baqarah 2:276
Tafsīr:
Pumupuksa si Allāh ng salaping galing sa patubo at nag-aalis Siya nito, sa pisikal na kahulugan sa pamamagitan ng pagsira rito at tulad niyon, o sa espirituwal na kahulugan sa pamamagitan ng pag-aalis ng biyaya mula rito. Nagdaragdag Siya sa mga kawanggawa at nagpapalago Siya sa mga ito sa pamamagitan ng pag-iibayo sa gantimpala sa mga ito sapagkat ang magandang gawa ay may ganting sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Nagpapala Siya sa mga yaman ng mga nagkakawanggawa. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mapagmatigas na tagatangging sumampalataya, na nagtuturing ng pagpapahintulot sa ipinagbabawal, na nagpupumilit sa mga pagsuway at mga kasalanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 275 Susunod Al-Baqarah • Talata 277