Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 275 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 275 sa 286 • Tagalog


الَّذِينَ يَأْكُلُونَ الرِّبَا لَا يَقُومُونَ إِلَّا كَمَا يَقُومُ الَّذِي يَتَخَبَّطُهُ الشَّيْطَانُ مِنَ الْمَسِّ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوا إِنَّمَا الْبَيْعُ مِثْلُ الرِّبَا ۗ وَأَحَلَّ اللَّهُ الْبَيْعَ وَحَرَّمَ الرِّبَا ۚ فَمَنْ جَاءَهُ مَوْعِظَةٌ مِنْ رَبِّهِ فَانْتَهَىٰ فَلَهُ مَا سَلَفَ وَأَمْرُهُ إِلَى اللَّهِ ۖ وَمَنْ عَادَ فَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ 275
Pagsasalin:
Ang mga kumakain ng patubo ay hindi bumabangon malibang kung paanong bumangon ang pinatuliro ng demonyo dahil sa kabaliwan. Iyon ay dahil sila ay nagsabi na ang pagtitinda ay tulad ng patubo lamang. Nagpahintulot si Allāh ng pagtitinda at nagbawal Siya ng patubo. Kaya ang sinumang dinatnan ng isang pangaral mula sa Panginoon niya at tumigil siya, sa kanya na ang nagdaan [na nakuha niya] at ang nauukol sa kanya ay kay Allāh. Ang sinumang nanumbalik, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili. Al-Baqarah 2:275
Tafsīr:
Ang mga nakikitungo sa patubo at kumukuha nito ay hindi babangon sa Araw ng Pagbangon mula sa mga libingan nila malibang tulad ng pagbangon ng may kabaliwan mula sa demonyo sapagkat babangon siya mula sa libingan niya nang nabubuwal kung paanong nabubuwal ang may epilepsya sa pagbangon nito at pagbagsak nito. Iyon ay dahilan sa sila ay nagturing ng pagpapahintulot ng pakikinabang sa patubo. Hindi sila nakatalos sa pagkakaiba sa pagitan ng patubo at anumang ipinahintulot ni Allāh na mga kinikita sa pagtitinda sapagkat nagsabi sila: "Ang pagtitinda ay tulad ng patubo lamang sa pagiging ipinahihintulot sapagkat ang bawat isa sa dalawa ay humahantong sa pagkadagdag ng salapi at paglago nito." Ngunit tumugon si Allāh sa kanila, nagpawalang-saysay Siya sa paghahambing nila, at nagpasinungaling Siya sa kanila. Nilinaw Niya na Siya – pagkataas-taas Siya – ay nagpahintulot sa pagtitinda dahil sa dulot nito na pakinabangang pampubliko at pampribado at nagbawal naman sa patubo dahil sa dulot nito na kawalang-katarungan at paglamon sa mga salapi ng mga tao nang walang-kabuluhan na walang kapalit. Kaya ang sinumang dinatnan ng isang pangaral mula sa Panginoon niya na may pagbabawal at pagbibigay-babala laban sa patubo saka tumigil dito at nagbalik-loob, para sa kanya ang nakalipas na pagkuha niya ng patubo habang walang kasalanan sa kanya roon. Ang nauukol sa kanya ay nasa kay Allāh sa kahaharapin niya matapos niyon. Ang sinumang nanumbalik sa pagkuha ng patubo matapos na umabot sa kanya ang pagsaway mula kay Allāh at nalahad sa kanya ang katwiran, naging karapat-dapat nga siya sa pagpasok sa Impiyerno at pananatili roon. Ang pananatiling ito sa Apoy ay ang pumapatungkol sa paglamon ng patubo habang nagtuturing ng pagpapahintulot nito o ang pumapatungkol sa matagal na pamamalagi roon sapagkat tunay na ang pananatiling palagian doon ay hindi mangyayari maliban sa mga tagatangging sumampalataya samantalang ang mga alagad naman ng Tawḥīd ay hindi mamalagi roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 274 Susunod Al-Baqarah • Talata 276