Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 274 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 274 sa 286 • Tagalog


الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ سِرًّا وَعَلَانِيَةً فَلَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 274
Pagsasalin:
Ang mga gumugugol ng mga yaman nila sa gabi at maghapon nang palihim at hayagan ay ukol sa kanila ang pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. Al-Baqarah 2:274
Tafsīr:
Ang mga gumugugol ng mga yaman nila dala ng paghahangad sa kaluguran ni Allāh sa gabi at maghapon nang palihim at hayagan nang walang pagpapakita at pagpaparinig ay ukol sa kanila ang gantimpala sa kanila sa ganang Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila mula sa nauukol sa kanila ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila mula sa Mundo, bilang kabutihang-loob mula kay Allāh at bilang biyaya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 273 Susunod Al-Baqarah • Talata 275