Surah An-Nūr (Ang Liwanag — النور) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




24 An-Nūr(النور), Talata 26

الْخَبِيثَاتُ لِلْخَبِيثِينَ وَالْخَبِيثُونَ لِلْخَبِيثَاتِ ۖ وَالطَّيِّبَاتُ لِلطَّيِّبِينَ وَالطَّيِّبُونَ لِلطَّيِّبَاتِ ۚ أُولَٰئِكَ مُبَرَّءُونَ مِمَّا يَقُولُونَ ۖ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ 26 ٢٦

Ang mga karima-rimarim ay ukol sa mga [taong] karima-rimarim at ang mga [taong] karima-rimarim ay ukol sa mga karima-rimarim. Ang mga kaaya-aya ay ukol sa mga [taong] kaaya-aya at ang mga [taong] kaaya-aya ay ukol sa mga kaaya-aya. Ang mga [taong kaaya-ayang] iyon ay mga pinawalang-sala mula sa sinasabi ng mga [naninirang-puring] ito. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na masagana. (26)

Tafsīr
Ang bawat karima-rimarim kabilang sa mga lalaki, mga babae, mga sinasabi, at mga ginagawa ay nababagay at naaangkop sa anumang karima-rimarin. Ang bawat kaaya-aya kabilang doon ay nababagay at naaangkop sa anumang kaaya-aya. Ang mga lalaking kaaya-aya at mga babaing kaaya-ayang iyon ay mga pinawalang-sala mula sa sinasabi tungkol sa kanila ng mga lalaking karima-rimarim at mga babaing karima-rimarim. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran mula kay Allāh, na nagpapatawad Siya sa pamamagitan nito sa mga pagkakasala nila. Ukol sa kanila ay isang kaloob na marangal, ang Paraiso.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba