Ang mga karima-rimarim ay ukol sa mga [taong] karima-rimarim at ang mga [taong] karima-rimarim ay ukol sa mga karima-rimarim. Ang mga kaaya-aya ay ukol sa mga [taong] kaaya-aya at ang mga [taong] kaaya-aya ay ukol sa mga kaaya-aya. Ang mga [taong kaaya-ayang] iyon ay mga pinawalang-sala mula sa sinasabi ng mga [naninirang-puring] ito. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na masagana. An-Nūr 24:26 ⧉
Tafsīr:
Ang bawat karima-rimarim kabilang sa mga lalaki, mga babae, mga sinasabi, at mga ginagawa ay nababagay at naaangkop sa anumang karima-rimarin. Ang bawat kaaya-aya kabilang doon ay nababagay at naaangkop sa anumang kaaya-aya. Ang mga lalaking kaaya-aya at mga babaing kaaya-ayang iyon ay mga pinawalang-sala mula sa sinasabi tungkol sa kanila ng mga lalaking karima-rimarim at mga babaing karima-rimarim. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran mula kay Allāh, na nagpapatawad Siya sa pamamagitan nito sa mga pagkakasala nila. Ukol sa kanila ay isang kaloob na marangal, ang Paraiso.