Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nūr — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

An-Nūr • Talata 27 sa 64 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَدْخُلُوا بُيُوتًا غَيْرَ بُيُوتِكُمْ حَتَّىٰ تَسْتَأْنِسُوا وَتُسَلِّمُوا عَلَىٰ أَهْلِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ 27
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay ninyo hanggang sa nagparamdam kayo at bumati kayo sa mga naninirahan sa mga ito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala. An-Nūr 24:27
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa Batas Niya, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay ninyo hanggang sa nagpaalam kayo sa mga nakatira sa mga ito sa pagpasok sa kanila at bumati kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ninyo sa pagbati at pagpaalam: "Assalāmu `alaykum. Papasok po ba ako?" Ang pagpaalam na iyon na ipinag-utos sa inyo ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pagpasok nang biglaan, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa ipinag-utos sa inyo para sumunod kayo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nūr • Talata 26 Susunod An-Nūr • Talata 28