Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 48 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 48 sa 286 • Tagalog


وَاتَّقُوا يَوْمًا لَا تَجْزِي نَفْسٌ عَنْ نَفْسٍ شَيْئًا وَلَا يُقْبَلُ مِنْهَا شَفَاعَةٌ وَلَا يُؤْخَذُ مِنْهَا عَدْلٌ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ 48
Pagsasalin:
Mangilag kayo sa isang Araw na hindi makasasapat ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa sa anuman, ni tatanggap mula sa kanya ng isang pamamagitan, ni kukuha mula sa kanya ng isang panumbas, ni sila ay iaadya. Al-Baqarah 2:48
Tafsīr:
Maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng pagdurusa sa Araw ng Pagkabuhay ng isang pananggalang sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-utos at pagtigil sa mga sinasaway. Sa Araw na iyon ay hindi makapagdudulot ng anuman ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa. Hindi tatanggap doon ng pamamagitan ng isa pa sa pagtulak sa isang pinsala o paghatak ng isang pakinabang malibang ayon sa isang pahintulot mula kay Allāh at hindi kukunan ng isang pantubos kahit pa man gamundong ginto. Walang tagapag-adya para sa kanila sa Araw na iyon. Kaya kapag hindi magpapakinabang ang isang tagapamagitan ni ang isang pantubos ni ang isang tagapag-adya, saan ang matatakasan?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 47 Susunod Al-Baqarah • Talata 49