Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 49 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 49 sa 286 • Tagalog


وَإِذْ نَجَّيْنَاكُمْ مِنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوءَ الْعَذَابِ يُذَبِّحُونَ أَبْنَاءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَاءَكُمْ ۚ وَفِي ذَٰلِكُمْ بَلَاءٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَظِيمٌ 49
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagligtas Kami sa inyo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan. Al-Baqarah 2:49
Tafsīr:
Banggitin ninyo, O mga Anak ni Israel, nang sumagip Kami sa inyo mula sa mga tagasunod ni Paraon na nagpapalasap noon sa inyo ng mga uri ng pagdurusa yayamang pumapatay sila ng mga lalaking anak ninyo sa pamamagitan ng pagkatay upang wala sa inyong matira at nag-iiwan sa mga babaing anak ninyo na manatiling mga buhay upang ang mga ito ay maging mga maybahay upang maglingkod sa kanila, bilang pagpapalabis sa panghahamak sa inyo at panlalait sa inyo. Sa pagliligtas sa inyo mula sa karahasan ni Paraon at ng mga tagasunod niya ay may isang pagsusulit na mabigat mula sa Panginoon ninyo nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 48 Susunod Al-Baqarah • Talata 50