Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 74 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 74 sa 286 • Tagalog


ثُمَّ قَسَتْ قُلُوبُكُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ فَهِيَ كَالْحِجَارَةِ أَوْ أَشَدُّ قَسْوَةً ۚ وَإِنَّ مِنَ الْحِجَارَةِ لَمَا يَتَفَجَّرُ مِنْهُ الْأَنْهَارُ ۚ وَإِنَّ مِنْهَا لَمَا يَشَّقَّقُ فَيَخْرُجُ مِنْهُ الْمَاءُ ۚ وَإِنَّ مِنْهَا لَمَا يَهْبِطُ مِنْ خَشْيَةِ اللَّهِ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ 74
Pagsasalin:
Pagkatapos tumigas ang mga puso ninyo matapos na niyon, kaya ang mga ito ay gaya ng mga bato o higit na matindi sa katigasan. Tunay na mayroon sa mga bato na talagang ang bumubulwak mula sa mga ito ay ang mga ilog, tunay na mayroon sa mga ito na talagang ang nagkakabiyak-biyak kaya lumalabas mula sa mga ito ang tubig, at tunay na mayroon sa mga ito na talagang ang lumalagpak dahil sa takot kay Allāh. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo. Al-Baqarah 2:74
Tafsīr:
Pagkatapos tumigas ang mga puso ninyo nang matapos nitong mga masidhing pangaral at mga nakasisilaw na himala hanggang sa naging tulad ng mga bato, bagkus higit na matindi sa katigasan kaysa sa mga ito sapagkat ang mga ito ay hindi nagpapalit ng kalagayan ng mga ito magpakailanman. Tungkol naman sa mga bato, nagbabago at nagpapalit ang mga ito. Tunay na mayroon sa mga bato na bumubulwak mula rito ang mga ilog. Tunay na mayroon sa mga ito na talagang nagkakabiyak-biyak kaya lumalabas mula rito ang tubig bilang mga bukal na dumadaloy sa lupa, na nakikinabang sa mga ito ang mga tao at ang mga hayop. Mayroon sa mga ito na bumabagsak mula sa matataas na bahagi ng mga bundok dahil sa takot kay Allāh at pagkasindak. Hindi ganoon ang mga puso ninyo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakaaalam niyon. Gaganti Siya sa inyo roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 73 Susunod Al-Baqarah • Talata 75