Kaya naghahangad ba kayo [O mga mananampalataya] na maniwala sila sa inyo samantalang nangyari ngang may isang pangkat [ng mga Hudyong paham] mula sa kanila na nakaririnig sa salita ni Allāh? Pagkatapos pumipilipit sila nito matapos na nakapag-unawa sila rito samantalang sila ay nakaaalam. Al-Baqarah 2:75 ⧉
Tafsīr:
Kaya umaasa ba kayo, O mga mananampalataya, matapos na nakaalam kayo sa reyalidad ng kalagayan ng mga Hudyo at pagmamatigas nila, na manampalataya sila at tumugon sa inyo samantalang nangyari ngang may isang lipon mula sa mga maalam nila na nakaririnig sa salita ni Allāh na pinababa sa kanila sa Torah? Pagkatapos nagbabago sila ng mga pananalita nito at mga kahulugan nito matapos ng pagkaintindi nila sa mga ito at pagkakilala nila sa mga ito habang sila ay nakaaalam sa bigat ng krimen nila.