Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 37

وَهُمْ يَصْطَرِخُونَ فِيهَا رَبَّنَا أَخْرِجْنَا نَعْمَلْ صَالِحًا غَيْرَ الَّذِي كُنَّا نَعْمَلُ ۚ أَوَلَمْ نُعَمِّرْكُمْ مَا يَتَذَكَّرُ فِيهِ مَنْ تَذَكَّرَ وَجَاءَكُمُ النَّذِيرُ ۖ فَذُوقُوا فَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ نَصِيرٍ 37 ٣٧

Sila ay magtititili roon: “Panginoon namin, magpalabas Ka sa amin [para makabalik sa Mundo], gagawa kami ng maayos na iba sa dati naming ginagawa.” [Magsasabi si Allāh:] Hindi ba Kami nagpatanda sa inyo sa [edad na] nakapagsasaalaala rito ang sinumang nakapagsasaalaala at dumating sa inyo ang mapagbabala? Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa sa Impiyerno] sapagkat walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang mapag-adya. (37)

Tafsīr
Sila ay hihiyaw roon sa pinakamataas sa mga tinig nila, na nagpapasaklolo habang mga nagsasabi: "Panginoon namin; magpalabas Ka sa amin mula sa Apoy, gagawa kami ng gawang maayos na naiiba sa dati naming ginagawa sa Mundo upang magtamo kami ng kaluguran Mo at maligtas Kami mula sa pagdurusang dulot Mo." Kaya sasagot sa kanila si Allāh: "Hindi ba Kami gumawa sa inyo na namumuhay sa edad na nakapagsasaalaala rito ang sinumang nagnanais na makapagsaalaala para magbalik-loob kay Allāh at gumawa ng gawang maayos, at dumating sa inyo ang sugo bilang tagapagbabala para sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh? Kaya walang katwiran para sa inyo at walang dahi-dahilan matapos nito sa kabuuan nito. Kaya lumasap kayo ng pagdurusa sa Apoy sapagkat walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila – dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway – na anumang mapag-adya na sasagip sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh o magpapagaan nito sa kanila."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba