Kapag nakipagkita sila sa mga sumampalataya ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami,” at kapag nagsarilinan ang iba sa kanila sa iba pa ay nagsasabi sila: “Kumakausap ba kayo sa kanila ng hinggil sa inihayag ni Allāh sa inyo [hinggil sa pagdating ng Propeta] upang mangatwiran sila sa inyo hinggil dito sa piling ng Panginoon ninyo? Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?”
Al-Baqarah 2:76 ⧉