Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 79 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 79 sa 286 • Tagalog


فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ يَكْتُبُونَ الْكِتَابَ بِأَيْدِيهِمْ ثُمَّ يَقُولُونَ هَٰذَا مِنْ عِنْدِ اللَّهِ لِيَشْتَرُوا بِهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۖ فَوَيْلٌ لَهُمْ مِمَّا كَتَبَتْ أَيْدِيهِمْ وَوَيْلٌ لَهُمْ مِمَّا يَكْسِبُونَ 79
Pagsasalin:
Kaya kapighatian ay ukol sa mga sumusulat ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila, pagkatapos nagsasabi silang ito ay mula sa ganang kay Allāh upang bumili sila kapalit nito ng isang kaunting panumbas. Kaya kapighatian ay ukol sa kanila mula sa sinulat ng mga kamay nila at kapighatian ay ukol sa kanila mula sa nakakamit nila. Al-Baqarah 2:79
Tafsīr:
Kaya kapahamakan at pagdurusang matindi ay naghihintay sa mga sumusulat na ito ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila. Pagkatapos nagsasabi sila ng isang kasinungalingan: "Ito ay mula sa ganang kay Allāh upang magpalit sila sa katotohanan at pagsunod sa patnubay sa isang halagang kakarampot sa Mundo tulad ng salapi at katungkulan. Kaya kapahamakan at pagdurusang matindi ay ukol sa kanila dahil sa isinulat ng mga kamay nila mula sa pagsisinungaling nila laban kay Allāh. Kapahamakan at pagdurusang matindi ay ukol sa kanila dahil sa nakakamit nila sa likod niyon na salapi at katungkulan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 78 Susunod Al-Baqarah • Talata 80