Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 80 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 80 sa 286 • Tagalog


وَقَالُوا لَنْ تَمَسَّنَا النَّارُ إِلَّا أَيَّامًا مَعْدُودَةً ۚ قُلْ أَتَّخَذْتُمْ عِنْدَ اللَّهِ عَهْدًا فَلَنْ يُخْلِفَ اللَّهُ عَهْدَهُ ۖ أَمْ تَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ 80
Pagsasalin:
Nagsasabi sila: “Hindi sasaling sa amin ang Apoy maliban sa mga araw na mabibilang.” Sabihin mo: “Gumawa ba kayo sa ganang kay Allāh ng isang kasunduan sapagkat hindi sisira si Allāh sa kasunduan sa Kanya, o nagsasabi kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?” Al-Baqarah 2:80
Tafsīr:
Nagsabi sila nang pasinungaling at pahibang: "Hindi sasaling sa amin ang Apoy at hindi kami papasok doon maliban sa kakaunting araw." Sabihin mo, O Propeta, sa mga ito: "Nakatanggap kaya kayo hinggil doon ng isang pangakong binigyang-diin mula kay Allāh sapagkat kung nagkaroon kayo niyon, tunay na si Allāh ay hindi sumisira sa kasunduan sa Kanya; o na kayo ay nagsasabi hinggil kay Allāh ng isang kasinungalingan at isang kabulaanan na hindi ninyo nalalaman?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 79 Susunod Al-Baqarah • Talata 81