Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 81 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 81 sa 286 • Tagalog


بَلَىٰ مَنْ كَسَبَ سَيِّئَةً وَأَحَاطَتْ بِهِ خَطِيئَتُهُ فَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ 81
Pagsasalin:
Bagkus, ang mga nagkamit ng isang masagwang gawa [ng kawalang-pananampalataya] at pumaligid sa kanila ang kamalian nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili. Al-Baqarah 2:81
Tafsīr:
Ang usapin ay hindi gaya ng hinahaka-haka ng mga ito sapagkat tunay na si Allāh ay magpaparusa sa bawat nagkamit ng masagwang gawa ng kawalang-pananampalataya at pumaligid sa kanya ang mga pagkakasala niya mula sa bawat dako. Gaganti Siya sa kanila dahil sa pagpasok sa Impiyerno at pananatili roon bilang mga mamamalagi roon magpakailanman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 80 Susunod Al-Baqarah • Talata 82