Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Hardin; sila ay doon mga mananatili. Al-Baqarah 2:82 ⧉
Tafsīr:
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos, ang gantimpala sa kanila sa ganang kay Allāh ay pagpasok sa Paraiso at pananatili roon bilang mga mamamalagi roon magpakailanman.